porters.gif

Members Page

Home | Forum | Our Purpose | Becoming a Member | Contact Us | Calendar of Events | Members Page | News | Links | GuestBook

 
 
Ito ang mga Guwapong miyembro ng PaPa Porters.

Boie Lim

boy1.jpg

Si Boie...mas kilalang the GodFather. Laking Sampaloc,Maynila...may tatlong anak at wife niya si Juliet. Hanep magluto...sa kanya lahat nakakatikim ng lutong Pinoy...pero wag gagalitin kung ayaw mabutas ang pinto ninyo sa suntok. 
 
 
Kung kelangan nyo ng seafoods order lang kayo sa kanya.

Arvin Pagkaliwangan
arvin1.jpg
Si Arvin, ang wife nya si Weng Nava...sya ang nag-pauso ng "I Love You"
Si Papa Arvin tubong Cavite...matinik at malambing. Lahat na puti...cute na cute sa kanya.  

Rodel Milano
rodel1.jpg
Si Papa Rudy...mas kilala sa kanyang pamatay na bigote...ang misis ay si Cecile at ang baby ay si Rochelle
Si Papa Rudy...prangka kaya kwidaw ka pero naku super sa bait ito magaling pang magluto.

Reymund dela Cruz
Tumbling

 Si Papa Reymund...eto tahimik lang pero kung bumira may punto. Tubong Nueva Ecija laking Maynila may isang baby si Bea at wife nya si Gwen.  

Si Reymund masarap gumawa ng Sisig...tikman nyo.

Tim Buma-a
tima2.jpg
Si Papa Tim...tubong Isabela, laking Quezon City. May apat na dalaginding at wife niya si Rose. 
Si Papa Tim...tindig-militar. Ayos kung magbiro, sapol ka hanggang sa buto...pero okay makisama. Masarap ding magluto.

Jr Parungao

jr1.jpg

Si Papa JR...dating saudi boy ngayon wife niya na si Nina. Siya ang babyface sa lahat.   
Mabait si Papa JR...masipag at maasahan din. Huwag mo lang ipa-partner kay Gordon.

Andre dela Rosa
andre1.jpg
Si Papa Andre...tubong Cebu may dalawang anak at wife niya si Lora. Mahilig sa larong tennis...mana kay Agassi.   
Si Papa Andre...matikas din ang tindig.

Narciso Romelo
cisoy1.jpg
Si Papa Cisoy...tubong Kabankalan Negros asawa niya si Yvonne.
Kung siya's tawagin..superporter...hataw kung kumayod.

Narciso Manuel
manuelfamily3.jpg
Si Papa Adeth...tubong Sorsogon...wife niya si Ingrid at baby nya si Aaron Gabriel.
Masipag at mabait si Papa Adeth...walang reklamo sa trabaho...excited ang newest Tatay among the Papaporters.  

Andy Beltran

andy1.jpg

Si Papa Andy..tubong Bulacan wife niya si Tess. Siya ang pinaka-bata sa lahat. 
Si Papa Andy walang inaatrasang trabaho...tama lang na naging kapitan siya ng barko...isang marinong totoo.

Nestor Tatel
ment.jpg
Si Papa Nestor...ayos lang siya...may baby si Gianasen at wife niya si Gina.
Kilalanin nyo na lang si Papa Nestor...kayo na ang humusga pagkatapos.

 
 
 
 
Pilipino Ako Porters Association (PaPa Porters) 
Porters Lodge, C Level, Southampton General Hospital, Tremona Rd, Southampton, England SO16 6YD